MULING nagpahayag si Nick Gordon gamit ang social media ng pagnanais na mabisita ang kanyang kasintahan na si Bobbi Kristina Brown na kasalukuyang nasa coma at wala pang senyales ng paggaling.

Madalas gamitin ni Gordon ang kanyang Twitter account upang ibuhos ang hinanakit at sama ng loob sa ama ni Kristina na si Bobby Brown sa pamilya Houston simula nang siya ay pagbawalang bisitahin ang anak ni Whitney Houston.

“Whitney told me to protect [her] and I did with no help,” pahayag ni Gordon sa Twitter “… that family has the nerve to blame me when I saved her life, I haven’t seen most of them in 8 years then they come when she needs me the most.”

Nagsimula ang pagbabawal kay Gordon na bumisita sa Atlanta’s Emory University Hospital noong Pebrero, pagkumpirma ng abogado ni Gordon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“My heart is full of angry after the Browns have shut me out they don’t even know her. Sabotage,” pagpapatuloy ni Gordon.

Kumbinsido si Gordon na bubuti ang kalagayan ni Bobbi Kristina kapag naramdamang nasa tabi lamang siya palagi ng kasintahan.

“Real talk let her hear my voice she will wake up, ” pahayag ni Gordon.

Sa kasamaang- palad, hindi ganoon kadaling gagaling mula sa pagiging comatose ang pasyente.

“When you damage the brain by lack of oxygen, the brain cells themselves cause seizure,” paliwanag ni Dr. Asher Taban, director ng Neuroscience sa

Northridge Hospital Medical Center. “The coma suppresses the seizure activity.” - Yahoo News/Celebrity