Asam ng Baguio City na maisagawa sa unang pagkakataon sa dinarayong lugar at paboritong bakasyunan tuwing tag-araw ang prestihiyosong 2016 Palarong Pambansa.

Ito ang inihayag ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa awarding ceremony ng Ronda Pilipinas 2015 sa gabi mismo ng Panagbenga Festival matapos na ipaalam ang pagnanais ng lokal na pamahalaan na pagandahin ang kanilang mga pasilidad sa sports.  

“Gusto namin na hindi lamang ma-involved sa sports ang aming mga kabataan kundi makita din nila ang kalidad ng mga kabataang atleta na kalahok sa Palaro para mahimok natin sila,” sabi ni Domogan, na hangad maisama ang Baguio City sa listahan ng mga naghost sa 58-taon na Palaro.  

“We have been trying but never been lucky enough to be the host,” sabi ni Domogan. “I think the last time we are so close to hosting was in 1976 na bago pa lamang pinangalanan ito na Palaro. But right now, mayroon na kaming mga pasilidad na maipapakita sa Palaro management committee.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Domogan na kasalukuyang kinukumpuni ang popular na athletic bowl kung saan itatayo ang moderno at world class standard na athletics field at track oval na nagkakahalaga ng P60 milyon na siyang pinakatampok sa P150-milyon na kabuuang plano para sa sports development ng lungsod.

“Ipinapaayos din natin ang Olympic sized-swimming pool at saka iyong grandstand. We are hoping na by early 2016 ay tapos na iyon para maipa-inspect natin sa Palaro committee. We are very optimistic na maging host para naman makita ng mga kabataan ang lugar ng Baguio,” sabi ni Domogan.    

Maliban sa Baguio, tangka ring maging host ng Guinobatan, Albay (Region 5), Tuguegarao City, Cagayan (Region 2), Lingayen, Pangasinan (Region 1), Naga City, Camarines Sur (Region 5), San Fernando, Pampanga (Region 3), Bocaue, Bulacan (Region 3) at Vigan, Ilocos Sur (Region 1).