durant westbrook

LOS ANGELES (AP)– Nasa Detroit pa si D.J. Augustin nang maglaro ang Oklahoma City Thunder ng 14 laro na wala sina Kevin Durant at Russell Westbrook sa unang bahagi ng season.

Sa muling pagkaka-sideline ng superstar duo ng Thunder, hinablot ng undersized at bagong miyembro ng koponan ang pagkakataon upang ipakita kung ano ang kaya niyang gawin.

Si Serge Ibaka ay nagtapos na may 18 puntos at 14 rebounds, nagdagdag si Augustin ng 18 puntos, 9 rebounds at 5 assists, at tinalo ng Oklahoma City ang Los Angeles Lakers, 108-101, kahapon upang putulin ang kanilang two-game skid.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang laro ay nagmukhang malaking alalahanin sa papel nang nasa ikawalong puwesto na Thunder. Si Durant ay wala dahil sa foot injury, habang si Westbrook ay sumailalim sa isang surgery upang ayusin ang kanang pisngi noong Sabado sa Los Angeles.

Ngunit sa paghalili ni Augustin at ang pag-aambag ng kapwa newcomer na si Enes Kanter ng 16 puntos at 15 rebounds, ang supporting players at backups ng Thunder, ay hindi sila naghabol kontra sa 14th-place na Lakers. Si Augustin ang pumalit sa puwesto ni Westbrook bilang catalyst ng Thunder, at naging matulis ang beterano sa kanyang ikaanim na laro para sa kanyang ikaanim na NBA team.

‘’I’m surrounded by great players who know the game,’’ sabi ni Augustin. ‘’They made it easy to transition to this team. I feel like I fit in right away.’’

Ang Oklahoma City ay 4-10 sa pagsisimula ng season nang kapwa mawala sina Durant at Westbrook, ngunit nakagapang pabalik sa playoff position ang Thunder nang sila ay magbalik. Nakikipaggitgitan sila sa New Orleans sa ikawalong puwesto sa Western Conference na may 22 laro pang natitira.

Si Westbrook ay nagtala ng triple-doubles sa kanyang huling tatlong laro ngunit kinailangang maoperahan matapos mapinsala ang buto sa kanyang mukha makaraang matamaan ng tuhod ng kakamping si Andre Roberson noong Biyernes.

Si Durant ay hindi nakapaglaro ng anim na sunod dahil nagpapagaling ng nabaling buto sa kanyang kanang paa.

Idinagdag ni Jeremy Lamb ang 9 sa kanyang 14 puntos sa fourth quarter habang scoreless naman si Augustin. Ang 3-pointer ni Lamb sa huling 4:23 ang nagpalaki sa abante ng Oklahoma City sa game-high na 14 puntos, at naglayo sa Thunder sa isang winless three-game road trip.

‘’Losing streaks are always frustrating,’’ ani Lamb. ‘’When you can end that, it always feels good. (Augustin) really controlled the game. He kept us under control.’’

Si Jeremy Lin ay nagtapos na may 20 puntos, 8 assists at 6 rebounds para sa Lakers, na ang modest winning streak ay nagtapos. Nakakuha ang Los Angeles ng may 8 puntos sa walong manlalaro, ngunit hindi nakuha ang kanilang season-high na ikaapat na sunod.

‘’We fought hard and still made a push at it, but just came up short,’’ saad ni Lakers guard Wayne Ellington. ‘’They didn’t have K.D. and they didn’t have Russ, so it was time for other guys to step up for them. I think D.J. did a great job for them and sparked them early.’’

Si Jordan Hill ay nagtala ng 14 puntos at 12 rebounds habang nakuha ang kanyang unang career 3-pointer para sa Lakers na naglaro na wala ang top scorer na si Nick Young. Lumiban siya sa ikatlong sunod na laro dahil sa sore left knee.

‘’It’s discouraging, but it’s not like we were at full force, too,’’ sambit ni Lin. ‘’I mean, we’ve been down without Kobe for a long, long time, and Nick was hurt. This was one where we felt like it was a winnable game, but they played well.’’

Resulta ng ibang laro:

LA Clippers 96, Chicago 86

Golden State 106, Boston 101

Indiana 94, Philadelphia 74

Charlotte 98, Orlando 83

Portland 110, Sacramento 99

New Orleans 99, Denver 92