Dahil umano sa kawalan ng koordinasyon, namatay ang 44 kasapi ng PNP Special Action Force (SAF) noong Enero 25 sa pakikipagbakbakan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Napatay nga nila si Malaysian bomb-expert Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, subalit maraming buhay ng SAF commandos ang kapalit nito.

Sa may tatlong oras na pakikipagpulong ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga kongresista noong Lunes, tahasang sinabi nila na nais ng taumbayan at mga pamilya ng mga biktima ang hustisya. Nais ding malaman kung bakit nagkaganoon ang operasyon na tiyak na alam ni PNoy. Parang naghuhugas ng kamay si PNoy nang sabihin niya sa mga mambabatas sa pangunguna ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. na si SAF commander Director Getulio Napenas ang dapat sisihin sa pumalpak na operasyon dahil bigo siyang makipag-coordinate sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Sinabi rin niyang ang kanyang BFF na si sacked PNP Chief Director Gen. Alan Purisima ay nabigong ipaalam kay PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina ang hinggil sa operasyon ng SAF sa Mamasapano para hulihin si Marwan.

Sa pulong, ipinaalam ng mga kongresista kay PNoy na dapat kumilos at tulungan nang husto ng gobyerno ang mga naghihinagpis na pamilya ng SAF commandos na biglang nawalan ng mga mahal sa buhay. Ikinasasama ng loob ng taumbayan at ng mga pamilya ang kawalan ng reinforcements o tulong mula sa AFP sa kabila ng katakut-takot na paghingi ng suporta ng mga nabitag na SAF commando sa Mamasapano.

Lumulutang ang hinala ng mga mamamayan na sinadyang hindi magpadala ng reinforcements ang AFP sa pangambang makasira ito sa peace proces ng gobyerno at ng MILF. Maaaring alam ng Pangulo at ng AFP na nasa krisis ang SAF men, pero iniatras pa rin ang reinforcement o suporta na sa maraming oras ay lubhang kailangan upang hindi mapatay ang 44 commando.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bakit hanggang ngayon ay atubili pa rin si PNoy na humirang ng bagong hepe ng PNP. Kahit hindi nagsasalita ang mga pulis, masama ang loob nila sa Pangulo at medyo bumaba ang kanilang morale dahil sa Mamasapano incident.