Aabot sa P11 milyon ang unliquidated cash advances ng Office of the President ng kasalukuyang administrasyon, ayon sa Commission on Audit (CoA).

Sa ulat na inilathala sa website ng CoA, binanggit din ang P436-milyon unliquidated cash advance ng nakalipas na mga administrasyon.

“Cash advances to regular and special disbursing officers due for liquidation as of December 31, 2013 under the accounts Advances to Officers and Employees and Other Receivables amounted to P8,045,139.89 and P428,883,815.46, respectively, or a total of P436,928,955.35. Further analysis showed that of the aggregate amount of advances due for liquidation, P11,089,554.33 was for current administration and P425,614,804.99 pertained to the previous administrations,” anang CoA.

Pinuna rin ng CoA ang Office of the President dahil sa pagbibigay ng mga cash advance kahit na hindi pa naaayos ang mga nakaraang usapin tungkol dito.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

“Additional cash advances were granted to accountable officers although previous cash advances were not yet settled contrary to Section 89 of Presidential Decree (PD) No. 1445 and COA Circular No. 97-002 dated February 10, 1997,” paglilinaw ng komisyon.