Nitong mga huling araw, tinalakay natin ang ilang paraan upang matapos ang mga bagay na nasimulan. Narito ang huling bahagi ng ating paksa:

Kung gusto mong matapos ang iyong sinimulan, kailangang alam mo kung ano ang magiging hitsura nito. Karamihan sa mga proyekto ay may natural na kalalabasang hitsura (halimbawa: painting, cross-stitch, web design, at iba pa) – at marami rin ang walang kalalabasang anyo (halimbawa, pagtutugtog ng gitara, piano, pag-aaral ng ibang wika at iba pa).

Kung ang target mo ay ang “sumulat ng isang nobela”, kailangang maging malinaw sa iyo kung “susulat ka lang” o “tatapusin mo iyon agad” o “ipa-publish mo iyon”. Ang mga ito ay iba-ibang target na may iba-iba ring “finish line”. Kung ang cross-stitch design na napili mong gawin ay disenyo ng “The Last Supper” kung saan si Jesus ang nasa gitna ng dibuho at plano mong tapusin iyon bago mag-Pasko, masasabi mong dakilang tagumpay mo kapag mukha lamang Niya ang natapos mo pagkalipas ng tatlong linggo mula nang simulan mo ito. Ngunit kung ang layunin mo ang mai-display iyon sa iyong bahay, ang “finish line” mo ay ang maipa-frame mo iyon.

Maaari rin naman na ang pinagkakainteresan mong gawin ay walang finish line. Kung gusto mong pumayat, hindi mo agad matatamo iyon tapos titigil ka na sa programa. Kung ang target mo ay ang pumayat, kailangan mong magtakda pa ng iba pang target upang mapanatili mong payat ang iyong pangangatawan. Puwede kang lumahok sa alay-takbo o alay-lakad ngayong taon at sasali uli sa susunod na taon. Maaari ka ring magpasya na magpalaki ng katawan at sumubok ng iba’t ibang weights.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Kung marami ka nang proyektong nasimulan at hindi natapos, huwag mo nang ikalungkot kung hindi mo na talaga ipagpapatuloy ang iba roon. Maaaring mangahulugan ito ng pagtatapon ng ilang lumang kasangkapan, pagbenta ng tone-toneladang libro na binili mo na hindi mo naman nabuklat ni minsan, o formal na bumitiw sa kursong kinuha mo. Ang paghinto ay isang paraan din ng pagtatapos ng proyekto – at ito ang magbibigay sa iyo ng kalayaang pumili ng bagong pagkakaabalahan.