BUTUAN CITY – Nataranta ang mga residente at mga turista sa Siargao, isang kilalang isla sa Surigao del Norte na nakaharap sa Pacific Ocean, nang maramdaman ang magkasunod na magnitude 4.1 na lindol kahapon ng umaga, at pinangambahan ang tsunami.
Gayunman, agad na pinabulaanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)-Butuan na magkakaroon ng tsunami.
Ayon sa ulat, tarantang naglabasan mula sa kani-kanilang bahay at resort room ang mga residente at turista, partikular sa General Luna, dakong 5:47 ng umaga at 6:08 ng umaga kahapon.
Tectonic ang lindol at walang idinulot na pinsala sa tinaguriang “Paradise Island”. - Mike U. Crismundo