MOSCOW (AP) – Binaril at napatay kahapon si Boris Nemtsov, ang charismatic Russian opposition leader at pangunahing kritiko ni President Vladimir Putin, malapit sa Kremlin, isang araw bago isagawa ang pinlanong kilos-protesta laban sa gobyerno.

Pinatindi ng pagkamatay ni Nemtsov, ang 55-anyos na dating deputy prime minister, ang galit ng puwersa ng oposisyon na hayagang tumuligsa sa Kremlin at inilarawan ang insidente bilang pagpaslang. Agad namang nagpaabot ng pakikiramay si Putin at tinawag na provocation ang pagpatay.

Kasalukuyang kinukumpleto ni Nemtsov ang report na umano’y magpapatunay na direktang may kaugnayan ang Russia sa rebelyon sa silangang Ukraine na nagsimula noon pang Abril. Inakusahan ng Ukraine at ng West ang Russia ng pagsuporta sa mga rebelde.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez