CHICAGO (AP)– Optimistiko ang Chicago Bulls na muling makapag-lalaro si Derrick Rose ngayong season at ang kanyang pagsailalim sa surgery ngayong araw ay hindi pipigil sa kanya ng matagal na panahon.
Naniniwala ang organisasyon na ang procedure upang ayusin ang medial meniscus tear ay hindi magiging balakid sa star point guard na makapaglaro muli.
''Yeah, the hope is that he will,'' pahayag ni executive vice president of basketball operations John Paxson kahapon sa isang charity event ng koponan nang tanungin kung umaaasa siyang makapaglalaro muli si Rose. ''We've still got over two months in the regular season. We're all hoping that (happens).''
Ang timeline para sa pagbabalik ng 2011 MVP ay madedetermina matapos ang operasyon. Ngunit malinaw na umaasa ang Bulls na hindi ito matatagalan sa pagkakataong ito.
''I don't want to speculate until he goes in, but we're certainly hopeful,'' sabi ni general manager Gar Forman.
Dagdag ni president at chief operating officer Michael Reinsdorf: ''We feel for Derrick. He's put so much effort into his various comebacks. We're hoping this is just a minor setback.''
Si Rose ay naglaro lamang sa 10 sa nakaraang season bago sumailalim sa surgery para sa kaparehong injury noong Nobyembre 2013, nagpaikli sa kanyang long-awaited comeback mula sa napunit na anterior cruciate ligament sa kaliwang tuhod.
Muling idinugtong ang kanyang meniscus sa nasabing operasyon. Sa pagkakataong ito, isang meniscectomy ang isasagawa ni team physician Dr. Brian Cole, na kinabibilangan ng pagtatanggal sa nasirang cartilage.
Ang nasabing procedure ay may mas maikling recovery period, halos anim na linggo, kumpara sa reattachment ngunit may mas malaking tsansa na magkakaroon ng arthritis, ayon kay Dr. Alexis Colvin, isang orthopedic surgeon na espesyalista sa sports medicine sa Mount Sinai Hospital sa New York. Sinabi ni Colvin, na hindi na-examine si Rose, na magiging mas matagal ang pagpapagaling ng isang taon sa dati nang napunit na ligament.