May aasahan umano ang mga motorista na pagpapatupad ng oil price rollback ng mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo, ayon sa source.

Sa taya, posibleng bumaba ng 70 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at 40 sentimos sa gasolina.

Ang napipintong price rollback ay bunsod ng bahagyang pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala, nakaamba namang tumaas sa 40 hanggang 50 sentimos ang presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) katumbas ng P4.40 hanggang P5 na dagdag sa bawat regular na tangke.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente