GENERAL SANTOS CITY – Sasampahan ng kaso ng pulisya ang mga magulang ng limang magkakapatid na nasawi nang hindi makalabas mula sa nasusunog nilang bahay sa Cabanglasan, Bukidnon.

Sinabi ni Insp. Jiselle Longgakit, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office, na may pananagutan ang mag-asawang Richie at Anabel Lingoyan sa pagkamatay ng kanilang mga anak dahil iniwan nila ang mga ito na himbing na natutulog sa kanilang bahay para magpunta sa kapitbahay upang makipag-inuman at mag-videoke sa Sitio Bangkal, Barangay Capinonan sa Cabanglasan nitong Pebrero 25.

Batay sa imbestigasyon, ang sunog ay nagmula sa napabayaang sinaing na niluto sa kahoy.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente