MEXICO CITY (AP) — Nakatanggap ng reklamo ang National Human Rights Commission ng Mexico mula sa mga bilanggo sa isang maximum-security prison, kabilang ang mga pangunahing cartel leader, sa kakulangan sa pagkain at hindi maayos na pasilidad.

Ayon sa isang empleyado ng komisyon na hindi maaaring pangalanan, natanggap ang reklamo noon pang Miyerkules ngunit hindi maaaring magbigay ng kaukulang detalye tungkol dito.

Gayunman, ipinaskil ng isang online publication sa Mexico ang ilan sa mga reklamo, kabilang ang facsimile na nagsasabing pirmado ito ng mga umano’y drug lord na sina Joaquin “El Chapo” Guzman at Edgar Valdez Villarreal, alyas “La Barbie.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists