NAGING emosyonal ang rapper na si Kanye West sa paghingi ng paumanhin kay Beck matapos nitong madaliin ang pag-akyat sa entablado upang tanggapin ang parangal ng Grammy para sa Album of the Year. Maya-maya pa, sinabi ni Kanye na hindi dapat tanggapin ni Beck ang parangal bilang respeto sa artistry. 

Hindi nagtagal inamin ni Kanye na hindi pa niya napakinggan ang album ni Beck. Dahil dito, ginamit niya ang kanyang Twitter account upang ipaabot ang kanyang paumanhin kay Beck pati na rin sa singer na si Bruno Mars. 

Narito ang sunud-sunod na pahayag ni Kanye sa kanyang Twitter: 

”I would like to publicly apologize to Beck, I’m sorry Beck.”

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

 “I also want to publicly apologize to Bruno Mars, I used to hate on him but I really respect what he does as an artist.”

“I also would love for Bruno to sing this hook on this song 88 Keys / Puff and I produced… I even asked Tyler to shoot the vid.” 

Lumabas ang mga tweet ni Kanye matapos ang kanyang emosyonal na panayam sa BBC Radio 1 ng England. Habang pinag-uusapan ang kanyang fashion mentor, ang pumanaw na si Louise Wilson, naging emosyonal si Kanye kaya humingi siya ng panandaliang break upang mag-ayos ng sarili at magpunas ng luha. - Yahoo News/Celebrity