Dadayo ang Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2015 ngayon hanggang bukas upang pumili ng top players sa South Luzon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nakatakdang sumailalim sa mga pagsubok, na kinabibilangan ng iba’t ibang basketball drills, skills tests, aptitude at endurance challenges at matutunan ang Jr. NBA core values na binubuo ng Sportsmanship, Teamwork, positive Attitude at Respect, ang mga kalahok na kabataang babae at lalaki na may edad 10 hanggang 14 sa Day 1.

Magpapatuloy ito sa Day 2 bago isagawa ang scrimmages kung saan ay pipiliin ang outstanding performers ng camp.

Nakatuon ang pagpili sa apat na kalalakihan at dalawang kababaihan na magiging kinatawan ng rehiyon sa Jr. NBA/Jr. WNBA National Training Camp na gaganapin sa Manila sa Abril 24-26.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

Ito ang ikalawang pagkakataon na idaraos ang NBA international developmental basketball program sa Biñan, Laguna.

Kasunod nito, magtutungo rin ang Jr. NBA/Jr. WNBA Regional Selection Camps sa Iloilo (March 7-8), Baguio (March 14-15), Bacolod (March 21-22), Davao (March 28-29) at Manila (April 11-12).