Jenelle-copy

INARESTO ng mga awtoridad ang Teen Mom 2 star na si Jenelle Evans noong Martes sa South Carolina, dahil sa pagmamaneho nang walang lisensya.

Si Evans, 23, ay inaresto ng South Carolina Highway Patrol at dinala sa J. Reuben Long Detention Center dakong 2:00 ng hapon, ayon sa ulat ng Myrtle Beach’s The Sun News. Base sa nasabing pahayagan, nagpiyansa si Evans sa halagang $237.50 at pinalaya makalipas ang dalawang oras.

Ipinaliwanag naman kaagad ni Evans ang nangyaring insidente gamit ang kanyang Twitter account noong Miyerkules.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Hindi ito ang unang pagkakaaresto kay Evans. Matatandaan na noong Abril 2013 ay inaresto rin ang MTV star dahil sa heroin possession at diumano’y pananakit sa kanyang dating asawa na si Courtland Rogers.

Pagkaraan ng walong buwan, Disyembre 2013, muling inaresto si Evans na sa mga panahong iyon ay nagdadalantao, nang sugurin ang kanyang dating nobyo na si Nathan Griffith.

Binasag ni Evans ang pananahimik sa pahayag sa Us Weekly noong unang bahagi ng Pebrero na inaasahan niya ang pagdating ng kanyang ikalawang anak at unang anak kay Griffith.

Nitong nakaraang Enero ay niyaya ni Griffith si Evans na magpakasal sa St. Thomas.

“We went to a fancy restaurant, and we were just going out to have a nice dinner,” pahayag ni Evans sa kanyang proposal. “[Nathan] just tapped his glass, stood up in front of the whole restaurant, and made this big speech. How he loves me, he wants to be with me for the rest of his life. And he’s really happy. And then he got down on one knee and proposed in front of everyone.” - Yahoo News/Celebrity