Iginiit ng isa sa limang orihinal na commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na dapat ding habulin ng ahensiya ang mga umano’y ilegal na yaman ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo (GMA) imbes na buwagin na ang operasyon nito.

Sa kanyang talumpati sa ika-29 anibersaryo ng PCGG noong Huwebes, sinabi ni Atty. Raul Daza na kontra siya sa panukalang buwagin ang komisyon base sa rekomendasyon ng ilang opisyal ng ahensiya noong 2011.

“They’ve been talking of winding us down way back in 1986,” ayon kay Daza, na nakatrabaho sa PCGG sina dating Senador Jovito Salonga, bilang unang chairman ng komisyon; at Ramon Diaz, Pedro Yap at Mary Concepcion-Bautista, bilang mga unang commissioner.

“But I don’t think this is the time to really think of winding down, because if you read the Executive Order No. 1 and the subsequent executive orders, the Commission is not supposed to deal only with the ill-gotten wealth of the Marcoses, but also those who followed [like] GMA, FG (Jose Miguel Arroyo) and their cronies. I think we should start moving in on them,” pahayag ni Daza.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, masasayang ang malawak na karanasan at kaalaman ng PCGG sa pagbawi ng ng mga ninakaw na yaman mula sa pamilya nitong mga nakaraang dekada kung tuluyan nang bubuwagin ang komisyon.

“The life of the Commission is determined by need. As long as there is need, the Commission should not wind down,” dagdag niya.

Halos nasa ikatlong dekada na ngayon, nai-remit na ng PCGG sa kaban ng bayan ang halos P168 bilyong halaga ng mga ill-gotten wealth ng pamilya ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos at cronies nito simula nang itatag ang ahensiya noong Pebrero 28, 1986 base sa kautusan ng noo’y Pangulong Corazon C. Aquino. (Kris Bayos)