VICTORIA, Tarlac - Sa edad na 16 ay nakaranas na ng matinding pang-aabuso ang isang babae na hinalay ng isang tricycle driver sa Barangay San Andres, Victoria, Tarlac, kamakailan.

Hindi agad nagsumbong sa kanyang mga magulang ang dalagita dahil na rin sa banta ni Jeffrey Cainglet, 23, binata, ng nasabing barangay.

Inabot na ng 2:00 ng umaga ang dalagita sa paglalamay sa namatay niyang tiyuhin at nang pauwi na siya kasama ang isang kaibigang babae ay nilapitan sila ng suspek at pinilit na sumakay sa minamaneho nitong tricycle para umano ihatid sa kani-kanilang bahay.

Unang bumaba sa tricycle ang kaibigan ng biktima, na idiniretso ni Cainglet sa kanyang bahay at doon hinalay.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA