Bea-Binene-417x500

SA November 4, debut na ng Kapuso young actress na si Bea Binene. Kaya sa launch niya bilang endorser ng VeriFIT Slimming Capsule, biniro siya kung nagpapapayat na siya para sa party ng pagiging ganap na dalaga niya.

“Hindi po naman talagang pinaghahandaan, gusto ko lang maging fit na ayon sa aking age, saka gusto kong mabawasan ang timbang ng arms and legs ko,” nakangiting wika ni Bea. “Malaki kasi ang naitutulong sa akin ng produktong ito dahil hindi na ako laging nakakaramdam ng gutom kahit once a day ko lang ito iniinom. Nararamdaman ko rin naman ang gutom, kaya kumakain naman ako, ‘yon nga lang nabawasan na ang craving ko, hindi mo na kakaining lahat ang in-order mo, matikman mo lang, parang busog ka na. Wala rin po namang epekto ito sa health ko. Isa pa, may halo itong collagen na tumutulong din sa aging at smooth skin.”

Ginanap ang press launch ni Bea sa bagong Tweedle Book Cafe sa Scout Gandia, between Tomas Morato at Scout Torillo Streets. Iyon ang napili ni Chester Dy, ang batambata pang distributor ng produkto mula sa Rhodesian Distributor dahil bukod sa masarap ang food, hot chocolate drinks, very homey ang atmosphere at puwede kang magbasa ng books na nandoon. May press people ngang gustong mag-donate ng books na magaganda at nabasa na nila.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Anyway, tinanong si Bea kung sakaling nakuha na niya ang weight na gusto niya, ibig bang sabihin, puwede na rin siyang gumanap sa mature roles, makipag-kissing scene at mag-pose na sa men’s magazines?

“Wala sa pangarap ko na mag-pose sa men’s magazine. Ayaw ko pong magsalita ng tapos pero wala pa talaga sa isip ko ‘yon. P’wede na rin akong gumanap sa mature roles, pero may limitations pa rin ako, hindi naman dahil mature, may kissing scene na, hanggang sa cheeks pa rin lamang ako p’wedeng magpa-kiss.”

Kumusta naman sila ni Jake Vargas, magkabati na ba sila o wala na sila talaga?

“Sabihin na lang nating nag-celebrate ako ng Christmas na kasama ko ang family ko at nag-celebrate ako ng Valentine’s Day na kasama ang fans. Nagkakausap din naman kami kapag nasa trabaho, like nga nang ginawa namin ang Liwanag Sa Dilim, we are both professionals naman pagdating sa trabaho. Ini-enjoy naman namin na may sari-sarili na kaming buhay ngayon.”

Hindi ikinaila ni Bea na siya ang nag-initiate ng break-up nila ni Jake, hindi rin niya ikinaila na may third party sa hiwalayan nila, pero ayaw na niya itong idetalye. Pagbigyan na lang daw siya na sa kanila na lamang ni Jake ang namagitan sa kanila.

Ang maganda kay Bea, patuloy pa rin ang studies niya at tinutulungan siya ng school niya na matapos na niya ang high school dahil gusto niyang magpatuloy sa college. Balak niyang kumuha ng mass communications.

“Wala pa po akong plano for my birthday sa November, pero ang GMA Artist Center ang nagpaplano para sa aking debut. Ako kasi, mas gusto kong mag-travel sa birthday ko, hahanap kami ng mababang airfare,” nagtatawang wika ni Bea.

Naghihintay pa ng bagong project si Bea sa GMA-7, kaya pinagkakaabalahan niya ngayon ang shooting ng Dinggin, isang indie film/documentary na tungkol sa climate change na siya ang producer.

“Parang advocacy ko na rin po na ang story ay dinggin naman ninyo kami na nangangailangan ng tulong ninyo, lalo na ng gobyerno. Tatawag po ulit kami ng presscon para rito at hihingi kami ng tulong sa inyo para sa project kong ito,” patapos na kuwento ni Bea.