BATANGAS CITY - Nagkaisa ang iba’t ibang grupo mula sa Batangas para tutulan ang pagtatayo ng isang coal-fired power plant sa isinagawang lakad-dasal sa lungsod na ito kahapon.

Pinangunahan ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang protesta sa pagmimisa sa Basilica ng Imaculada Concepcion sa Batangas City, kaisa ang grupo ng mga pari.

Dakong 5:00 ng umaga nang nagtipun-tipon ang mga tao sa kapitolyo at naglakad patungo sa simbahan.

Kasunod nito ang pagsusulong ng signature campaign para tutulan ang planong pagtatayo ng coal plant ng JG Summit sa Barangay Pinamucan Ibaba, dahil sa inaasahang masama umanong idudulot ng planta sa kalusugan at kapaligiran.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dinidinig ngayon ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang napipintong pagtatayo ng planta at iniimbestigahan na rin sa ilalim ng Committee on Environment.