PRIMERA KLASE KASI ● Ibabandila ang Albay bilang nag-iisang tampok ng Department of Tourism (DOT) sa exhibit nito sa 2015 Marche International Proffesionels d’Immobilier (MIPIM), na isang taunang fair na sinasalihan ng maiimpluwensiyang property and tourism players sa mundo sa Palais des Festivals sa Cannes, France sa Marso 10-13.

Tampok ang Pilipinas sa MIPIM fair kaya may prominenteng display area ito sa naturang exhibit. Kinumbida naman ng DOT ang Albay dahil sa ito nga ang kinikilalang hottest tourist destination ngayon ng ating bansa. Ayon kay DOT Undersecretary Maria Victoria V. Jasmin, sa liham niya kay Albay Gov. Joey Salceda, ang paanyaya sa MIPIM ay bahagi ng mga premyo sa winning chief executive sa nakaraang Tourism Star Philippines 2014 awards. Napanalunan ni Salceda ang Tourism Star Philippines 2014 Award para sa local government executive sa naturang parangal na ginanap sa Makati noong Pebrero 12.

***

OPORTUNIDAD PARA SA LAHAT ● Inaasahan na ang MIPIM fair ay lalong magpapasulong sa turismo ng Albay at mga panturismong impraistraktura nito. Itinampok na ang Albay sa iba’t-ibang pambansa at international fair kasama na ang Berlin ITB 2012 sa Germany, London WTM 2013, Shanghai TM 2013, DOT Hongkong 2014, at mga special events ng Philippine Asia Travel Association at Philippine Travel Operators’ Association. Pinangungunahan ng DOT, Tourism Promotions Board (TPB) at Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang representasyon ng Pilipinas sa MIPIM. Sa pamamagitan ng MIPIM, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga international players na i-promote ang kanila mga proyekto, palawakin ang kanilang investment portfolio, tuklasin ang mga bagong market trend at makipag-ugnay sa kanilang mga partner at kliyente.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

***

DAGSA ANG KASALI ● Ayon kay Jasmin, noong 2014, ang MIPIM Cannes ay sinalihan ng mahigit 21,000 participant at panauhin, 2,200 exhibitor company, 4,500 investor, 3,200 CEO at chairman, 430 journalist, at 370 kilalang pulitiko mula sa iba’t-ibang bansa. Kinikilala na ngayon ang Albay bilang hottest tourist destination. Mula sa 8,700 banyagang turista lamang noong 2007 nang maupong gubernador si Salceda, umabaot na sa 339,000 ang bilang nito noong 2013. Una ito umabot ng 300,000 noong 2011 at patuloy nang tumataas taon-taon mula noon.