Gaya ng dapat asahan, nakamit ng defending champion Adamson University (AdU) ang unang Final Four slot matapos magtala ng isa na namang abbreviated win kontra sa University of the Philippines (UP), 7-0, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Kinailangan lamang ng five-peat seeking Lady Falcons ng anim na innings para maiposte ang kanilang ikawalong sunod na mercy rule win at pahabain ang kanilang unbeaten run sa 56 games.

Sa iba pang laban, napanatili naman ng De La Salle University (DLSU) ang kanilang kapit sa solong ikalawang puwesto matapos ang naiposteng 4-2 panalo laban sa University of the East (UE).

Ang panalo ang ikaanim ng Lady Batters sa loob ng walong laro na nagpalakas sa kanilang tsansa na umusad sa Final Four.

Atty. Luke Espiritu, binigyan ng bokyang grado si PBBM

Sa kabila naman ng kabiguan, nanatiling nasa ikatlong puwesto ang Lady Maroons na may 5-4 (panalo-talo) baraha.

Nagwagi rin ang two-time runner-up na National University (NU) kontra sa Ateneo, 9-6, upang makisalo sa ikaapat na puwesto na hawak ang kartadang 4-5 (panalo-talo) kasalo ang Lady Warriors.

Bunga ng pagkabigo, nanatili namang winless ang Lady Eagles makaraan ang siyam na laro.