Upang ma-discourage ang mga pasaway na gumagawa ng krimen gamit ang cell phone, iminungkahi ni Cavite Rep. Roy Loyola na ma-regulate ang pagbebenta ng prepaid Subscriber Identity Module (SIM) cards.

Naghain si Loyola ng House Bill 5335, na nag-oobliga sa pagrerehistro sa lahat ng prepaid SIM card, at inaatasan ang mga telecommunication company, tulad ng Globe, Smart at iba pa, na magtago o mag-ingat ng registry ng kanilang mga subscriber.

Sinabi niya na madaling makakuha ng prepaid SIM card dahil madaling mabili ang mga ito, gayunman, mahirap malaman kung sino ang may-ari ng SIM card.

“Due to this, unscrupulous individuals almost always take advantage of the same in the pursuit of their criminal activities to the detriment not only of a particular interest but that of the whole nation,” ani Loyola.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Alinmang korporasyon, partnership, single proprietorship o sino mang awtorisadong dealer ng prepaid SIM card na napatunayang lumabag sa mga probisyon, ay pagmumultahin ng P25,000 sa unang pagkakasala, P50,000 sa ikalawang paglabag at P100,000 sa ikatlong paglabag bukod pa sa apat na taong pagkabilanggo at pagbawi ng lisensiya.