MINNEAPOLIS (AP)– Nagkaroon ng emosyonal na pagbabalik si Kevin Garnett sa Minnesota sa makabasag-taingang pagsalubong sa kanya at ang pagkuha ng Timberwolves ng 97-77 panalo laban sa Washington Wizards kahapon.

Si Garnett, ang mukha ng prangkisa na nagbalik matapos ang isang trade sa Brooklyn noong isang linggo, ay gumawa ng 5 puntos sa kanyang 2-for-7 shooting kasama ang 8 rebounds at 2 blocks sa loob ng 19 minuto sa kanyang unang laro para sa Timberwolves matapos ang 2007. Umiskor si Kevin Martin ng 28 puntos at 19 naman ang ikinarga ni Andrew Wiggins para sa Wolves, na naghabol ng 15 puntos matapos ang reintroduction kay Garnett.

Gumawa si Marcin Gortat ng 9 puntos at 15 rebounds para sa Wizards na natalo ng limang sunod at 10 sa kanilang huling 12 mga laro. Si John Wall ay nagtapos na may 5 puntos sa kanyang 2-for-10 shooting at 10 assists, habang hindi naman naglaro si Paul Pierce dahil sa bruised knee.

Nagtala si Nikola Pekovic ng 15 puntos at 13 rebounds para sa Minnesota, ngunit ang gabi ay inangkin ni KG, ang charismatic superstar na inilagay ang kanyang koponan sa mapa sa 12 season bago na-trade sa Boston noong 2007.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ginawa ni Garnett ang kanyang unang appearance sa court may 20 minuto bago ang laro nang ang buong koponan ay nasa loob na, at ang fans na nanabik sa kanya ng matagal ay nanatiling nakatayo sa sumunod na 25 minuto upang kumuha ng litrato at video gamit ang kanilang mga telepono.

Pinatay ang mga ilaw at isang makapanindig-balahibong video ang ipinalabas na nagpapakita ng mga highlight ni Garnett habang malakas na tumutugtog sa speakers ang kanyang “Homecoming” ni Kanye West.

Nakaupo sa bench si Garnett at nanatiling nakayuko, at tumayo nang tawagin ang pangalan na sinabulong ng dumadagundong na ovation mula sa 19,856 manonood.

Naging tahimik ang Target Center sa 7 1/2 taong pagkawala ni Garnett. Ang Wolves ay 187-426 mula nang siya ay mai-trade, at ni isang beses ay hindi nakatikim ng playoff berth.

Sila ay nagkaroon ng pitong head coaches, tatlong general managers at 143 starting lineups.

Sa kanyang pagbabalik, kahit pa siya ay 38-anyos na at hindi na kasing lakas na tulad ng dati, nagsisilbi pa rin si Garnett bilang isang simbolo ng naging matagumpay na panahon para sa prangkisa. At kahit man lamang sa isang gabi, hindi nila inisip kung ano at kung anong mayroon pang ibubuga si Garnett at maging ang hindi pagtuntong ng koponan sa playoffs sa loob ng 11 taon.

At nang mawala ang excitement ng Wolves, dito na halos natapos ang laro.

Na-outscore nila ang Washington, 32-18, sa third quarter kung saan sina Wiggin at Ricky Rubio ang nanguna sa pag-atake. Ang dalawang batang mukha ng Wovles ay nagtambal sa 6-for-9 shooting para sa 19 puntos sa ikatlong yugto upang tumulong na maitayo ang 14 puntos na abante.

Nagtapos ang gabi sa huling pagblangka ni Garnett sa possession ng Wizards, at sumigaw sa crowd ng “It’s over! It’s over!” na sinagot naman nila ng “KG! KG!”.

Resulta ng ibang laro:

Miami 93, Orlando 90 (OT)

Atlanta 104, Dallas 87

Boston 115, New York 94

New Orleans 102, Brooklyn 96

Charlotte 98, Chicago 86

Houston 110, LA Clipeers 105

Milwaukee 104, Philadelphia 88

Phoenix 110, Denver 96

LA Lakers 100, Utah 97