Ipinagdiriwang ngayon ng Dominican Republic ang kanilang National Day na gumugunita sa kanilang kalayaan mula sa Haiti noong 1844. Tuwing weekend sa buong buwan ng Pebrero, nagdaraos ng mga parada, kompetisyon at iba pang aktibidad kung saan ang mga mamamayan ng Dominican Republic ay nakasuot ng makukulay na costume na sumasagisag sa maraming religious at traditional character. Idini-display ng mga mamamayan ng Dominican Republic ang kanilang pambansang bandila sa balkonahe ng kanilang mga tahanan. Tradisyunal naman ang pagtatalumpati ng Pangulo ng Dominican Republic na naka-broadcast sa lahat ng media.

Isang bansa sa isla ng Hispaniola, ang Dominican Republic ay ang pangalawang pinakamalaking Caribbean nation (kasunod ng Cuba) na may 48,445 square kilometer na lupaing sakop at halos 10 milyon ang populasyon. Isang milyon katao ang nakatira sa Santo Domingo, ang pinakamalaki at kapital ng naturang bansa.

Mahigit sa 50% ng working population ang nasa sektor ng serbisyo ngayon. Gayunman, mahigit ikalimang bahagi ng workforce ang nananatiling nasa pagsasaka at paghahayupan. Taglay ng bansa ang mahalagang mining sector na pinakamalaking export earner ng bansa. Ang principal cash crops, tulad ng bigas, tubó, saging, kape, kakaw, at tabako na nasa malalawak na plantasyon. Kilala rin ang naturang bansa sa pagkakaroon ng advanced telecommunications system sa rehiyon.

Gumanap ang turismo ng isang mahalagang tungkulin sa Dominican Republic. Ang bansa ang pinakamalaking top destination sa Carribean na may year-round gold courses bilang pangunahing tourist attraction nito. Nakamamangha ang tanawain at may diverse biological environment ang iba pa panghalina ng bansa na umaakit sa mga turista na bisitahin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinagsasaluhan ng Pilipinas at Dominican Republic ang maraming pagkakahalintulad, lalo na sa kasaysayan, kultura, relihiyon, at kaunlaran ng ekonomiya. Ang common heritage ng dalawang bansa ay inaasahang mauuwi sa maginhawang kalakalan at diplomasya.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Dominican Republic sa pangunguna ni Pangulong Danilo Medina Sanchez, sa okasyon ng kanilang National Day.