Manila (AFP)– Sinabi ng underdog na si Manny Pacquiao na mayroon siyang simpleng taktika upang magawang matalo si Floyd Mayweather sa nalalapit na laban ng longtime rivals para kilalaning top “pound-for-pound” boxer.

“Use my left and right (fists),” sinabi ng Filipino boxing hero sa mga mamamahayag nang tanungin kung paano niya planong talunin ang wala pang talong kalaban na mayroong height at reach advantage at maging kilalang defensive skills.

“If I hurt him I expect him to run. Otherwise he might fight me toe-to-toe.”

Ang 36-anyos na tinaguriang “The National Fist” ng local media, ay nakatakdang umalis patungo sa United States upang magsanay para sa kanilang May 2 Las Vegas bout.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang 38-anyos na si Mayweather, piniling heavy favorite ng bookmakers matapos ianunsiyo ang megabucks fight noong nakaraang weekened, ay hindi pa natatalo sa kanyang huling 47 laban kung saan nakapaglista siya ng 26 knockouts.

Si Pacquiao ay may 57 panalo at limang talo sa kanyang pangalan, kabilang ang dalawang natikman niya noong 2012. Siya ay mayroong dalawang draw at 38 knockouts.

Ngunit nagpakita siya ng pagkampante noong Miyerkules at namigay ng libreng pizza sa kanyang mga tagasuporta habang naghahanda para sa kanyang ikatlong laro bilang basketball player sa top professional league ng Pilipinas.

Ang kanyang determinasyon na maglaro para sa Kia Carnival ay nagpasulpot sa mga pangamba bago ang laban, na ayon sa US media ay maaring magbigay sa kanya ng $80-milyong pay cheque.

“I know what I’m doing,” ani Pacquiao, isang debotong Christian at ang pinakamaliit sa isa sa pinakamantandang manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Napag-usapan din ang kritisismong kanyang natanggap mula sa ex-National Basketball Association Player na si Daniel Orton, na sinisante ng karibal na koponan sa PBA noong nakaraang linggo dahil sa paglalarawan nito sa istilo ng paglalaro ng basketball ng boxing champ bilang isang “joke”.

“Poor guy,” ani Pacquiao. “I will not react because I would be going down to his level.”

“It’s like this: No person has ever succeeded without being criticised.”