Paul-at-Kaye-copy

KLINARO ni Kaye Abad sa thanksgiving presscon ng seryeng Two Wives ang isyung buntis siya kaya siya naospital ng isang linggo at binantayan siya ng boyfriend niyang si Paul Jake Castillo.

Kapansin-pansin kasi na hindi mapakali si Kaye habang ongoing ang Q and A sa cast ng Two Wives at sabay hawak sa kanyang puson at kapag nagkakatawanan na ay sapu-sapo pa rin ng aktres ang tiyan, kaya inisip ng ilang katoto na buntis siya.

Pagkatapos ng Q and A, agad naming tinanong ang aktres at ang natatawa niyang sagot, “Hindi, sana nga. Hindi talaga, severe dysmenorrhea, sobrang sakit nga.”

National

Robredo, Pangilinan, Aquino, nag-reunion sa araw ng SONA ni PBBM?

Sabi naming, delikado ang severe dysmenorrhea dahil puwedeng tubuan ng myoma.

“Oo nga, awa ng Diyos wala, ‘pina-check ko na, wala naman, okay naman.”

Sa edad na trenta’y tres ay prone na ang aktres sa ganitong sakit kaya ipinananalangin niya na sana bago man lang siya tumuntong ng kuwarenta ay magka-baby na siya.

Kailan ba sila magpakakasal ni Paul Jake?

“Ay, ewan, wala naman, walang napag-uusapan pa,” mabilis na sagot ng aktres na usap-usapan gabi-gabi sa mga kabahayan bilang Yvonne sa Two Wives.

Pero inamin ni Kaye na naramdaman niyang handang-handa na siyang mag-asawa at natagpuan na niya ang ‘the one’ sa buhay niya.

“Hindi ko naramdaman sa iba, ngayon lang, ganu’n yata, parang naramdaman ko na handa na ako at may nakita na ako,” napangiting sabi ng dalaga.

E, si Paul Jake, naramdaman ba na nito siya na ang babaeng gusto niyang makasama sa buhay?

“Ay, ewan, ask n’yo siya,“ natawang sagot.

At dahil nagkakaedad na si Kaye, natanong siya kung okay lang na mauna ang baby bago ang kasal.

“Ako okay lang, gusto ko, pero kasi ‘yung dalawang kapatid ko, nauna munang magka-baby bago ikasal, so sana gusto kong ibigay sa mama ko na kasal muna bago magka-baby, kung puwede,” pahayag ng aktres.

Mabait na asawa ang karakter ni Kaye bilang Yvonne sa Two Wives, ganoon din ba siya kabait kapag nag-asawa na siya?

“Mahirap kasing magsalita kasi wala naman ako sa sitwasyong na ganu’n, pero kung kailangang ipaglaban mo at alam mong para sa iyo, siguro ipaglalaban ko, pero kung ayaw na at may iba, eh, i-let go mo na,” sagot ng dalaga.

Huling dalawang linggo na lang ang itatakbo ng Two Wives sa ere kaya aminado ang buong cast na sobrang mami-miss nila ang bawat isa at siyempre, “Ang suweldo ha-ha-ha-ha!” masayang sabi ni Kaye na sinang-ayunan ng lahat.