Narito ang anim sa mga pagkain at inumin na kinakailangan upang maging malusog at fit ang pangangatawan.

Wine

Sa pagbabawas ng timbang, kung ang pipiliin mong inumin ay red wine, hindi mo kinakailangang magmadali. Nadiskubre ng mga mananaliksik sa Purdue University na ang wine ay nagtataglay ng isang compound na tinatawag na piceatannol na nagkokonekta sa insulin receptors ng fat cells at pumipigil sa pagdami nito. Sa madaling sabi, nakatutulong ito upang mapigilan ang pagtaba.

White Potato

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kapag muling binalikan ang science, malalaman na walang dapat ipag-alala—sa katunayan, makakatulong ang patatas upang mabawasan ang timbang. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Australia, nadiskubre ng mga mananaliksik na ang patatas ay mas nakakapag-satisfy kumpara sa “healthy” carbs katulad ng brown rice at oatmeal.

Coconut Oil

Ang kasalukuyang henerasyon ay palaging pinaaalalahanan na umiwas sa “saturated fat.” At dahil ang coconut oil ay binubo ng maraming saturated fat kumpara sa ibang cooking fats, ito ay hindi iniendorso. Ngunit, ang saturated fat sa coconut oil ay “medium-chain” fat, ibig sabihin, pinapabilis nito ang ating metabolismo.

Cheesy Popcorn

Karaniwan na ang pagkain ng popcorn habang nanonood ng sine. Marami ang nag-aakala na ito ay nakakataba, pero marami rin ang hindi nakakaalam na ito ay kabaligtaran. Air-popped popcorn ay low-calorie, fiber-rich, whole-grain snack na makakatulong upang mapawi ang pagkagutom, ayon kay Lisa Moskovitz, R.D., founder ng The NY Nutrition Group. - Yahoo News/Health