Hinimok ng isang negosyanteng Korean ang mga negosyanteng Pilipino na ikonsidera ang mga oportunidad sa pamumuhunan sa Busan, sa harap ng lumalagong palitan ng mga turista at expatriates ng Pilipinas at South Korea.

Ayon kay Dr. Sangwook An, bukas ang Busan sa mga Pinoy na naghahanap ng Korean partners sa negosyo. “We can have partnerships in several industries, including services and trade. Busan and Manila are the largest port cities in South Korea and the Philippines, respectively, so there is already plenty of opportunities in the shipment of goods between the two countries alone,” ani Dr. An.

Si Dr. An, na nag-aral sa Pilipinas bukod sa pagtatatag ng mga negosyo rito, ay nag-alok na tumulong sa pag-organisa ng trade and investment road shows para sa gobyerno ng Pilipinas at sa sektor ng kalakalan sa Busan.

Mahigit isang dekada nang gumagamit si Dr. An ng sarili niyang resources upang ayudahan ang mga turista, expatriates, at manggagawang Pilipino sa Busan. Halimbawa nito ang paglalaan niya ng accommodations sa isang choir na Pilipino mula sa University of the East na dumalo sa 2006 Busan Choral Festival and Competition (sa ilalim ni conductor Anna Tabita Abelado-Piquero, Manager Darwin B, Vargas, at first vocalist Jane 0. Sanbuenaventura).

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinuportahan din niya ang programang “Kapwa Ko” ng isang Filipino community organization at nagkaloob ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga undocumented worker.