Armida-Siguion-Reyna-copy

Ni JAY AZAÑA

KILALA bilang isa sa pinakamatitingkad na babae sa larangan ng sining sa Pilipinas, inilabas na ang pinakaaabangang aklat ng talambuhay ni Armida Siguion-Reyna noong Martes, ika-24 ng Pebrero, sa Whitespace, Makati.

Ipakikita sa mga mambabasa sa librong Armida, na halos dalawang taong isinulat at binuo, ang makulay at kung minsan ay mapagrebeldeng buhay ng influential na 84-anyos na si Tita Midz.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nagsilbi rin ang launching ng libro bilang isang reunion ng mga natatangi at respetadong mga pangalan sa larangan ng entertainment, sining at high society. Ito rin ay nagsilbi ring pagdiriwang sa naging tatak ni Armida at sa kanyang mga naiambag sa industriya at sa paglilingkod sa publiko.

Si Armida Siguion-Reyna ay kilalang multi-faceted icon sa Pilipinas, nakilala bilang mangangawit, aktres, producer, at naging chairperson ng MTRCB. Siya ay higit na nakilala sa Aawitan Kita, ang kanyang longest-running musical show na umani ng iba’t ibang parangal mula nang ipalabas sa telebisyon.

Ang bawat pahina ng nasabing libro ay magbibigay ng detalye tungkol sa buhay ni Armida, na siya mismo ang nagsalaysay, at isinulat ni Nelson Navarro.

“The book breaks the rules of how traditional biographies are presented, just as my mom has been doing throughout her life. It gives readers an inside view of her private thoughts about her public and professional relationships with behind-the-scenes revelations; her one true love, her fears, her strengths. It’s her backstory,” ani Monique Villongco, anak ni Siguion-Reyna na nagsilbi ring editor ng libro.

Ang Armida Unfinished Memoir – The Singer and Her Song ay inilimbag ng ABS-CBN Publishing, Inc.