STA MARIA, Bulacan – Nakilala na ang lalaki na natagpuan noong Pebrero 19 na nakasilid sa loob ng isang bakal na drum sa Malabon Street, Ibayong Tabon, Barangay Parada sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Beltran Guarin, alyas Tornek, 23, may kinakasama, walang trabaho, ng Bgy. Lambakin, Marilao, Bulacan.

Si Guarin ay kinilala ng kinakasama niyang si Jazel Pamor Historello, 31, at ng ina na si Edna Beltran Guarin, 45, kapwa ng Bgy. Lambakin, Marilao.

Sinabi ni Historello sa pulisya na napanood niya sa balita sa telebisyon ang tungkol sa pagkakatagpo sa bangkay ni Guarin at nakilala niya ang kinakasama sa pamamagitan ng mga tattoo nito. (Freddie C. Velez)
National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM