NGAYONG Sabado sa Sarap Diva,  ipasisilip ni Regine Velasquez-Alcasid sa Kapuso viewers ang loob ng bahay ni Jaya.

Masasaksihan din ang kuwentuhan ng magkumareng Asia’s Songbird tungkol sa diabetes ni Jaya at kung paano niya ito nilalabanan araw-araw. Ibabahagi rin ni Jaya sa mga manonood ang isang diabetic-friendly dish.

Ipapakita rin sa episode na ito ang isang pamilya ng killer dogs na inaalagaan ng asawa ni Jaya na si Gary Gotidoc. Bakit nga ba sila nag-aalaga ng mahigit sa sampung aso na trained sa pagsugod?

Huwag palampasin ang isang Sabadong puno ng kuwentuhan at tawanan, at hindi rin naman siyempre mawawala ang kantahan sa Sarap Diva, 9:40 AM pagkatapos ng Tropang Potchi sa GMA. 

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina