KAPUNA-PUNA ang pagsulpot ng singer na si Anthony Castelo tuwing may national issue na mainit na pinag-uusapan.
Umeksena ang balladeer na sumikat sa awiting Balatkayo noong dekada 70 noong kainitan ang hidwaan ng China at ng Pilipinas at may dala pa siyang watawat habang umaawit.
Kampanya tungo sa kapayapaan ang pinagkakaabalahan ngayon ni Anthony para sa kanyang itinatag na Dakilang Lahi Foundation, Inc. Naniniwala siya na puwedeng magkaisa ang lahat through the universal power of music.
May album na inihanda si Anthony na ang carrier cut ay Peace na siya mismo ang nag-compose.
Tampok dito ang collective voices nina Lloyd Umali, Heber Bartolome, Darius Razon, Boy Mondragon, Cita Astals at Irma Castro sa konseptong may pagkakahawig sa We Are The World fame.
Ang Stars for Peace Movement ay bunsod ng Mamasapano tragedy na ikinasawi ng 44 SAF soldiers na pakiusap ni Anthony ay hindi dapat bansagang Fallen 44 kundi Heroes 44. (REMY UMEREZ)