ANAO, Tarlac - Matagumpay na nalambat ng mga pulis ang dalawang hinihinalang drug pusher sa pagsalakay ng awtoridad sa Barangay San Francisco West sa Anao, Tarlac, kahapon ng umaga.

Arestado sina Nelson Cainglet Gamboa, Sr., alyas Blacky; at Zenaida Galletes Gamboa, kapwa ng nasabing barangay.

Narekober mula sa dalawang suspek ang walong transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu, improvised cigarette box, aluminum foil, coin purse, at iba pang drug paraphernalia.
National

Guo, nag-sorry kay SP Chiz: 'Wala po akong intensyong diktahan ang Senado'