Dahil sa pagkakatugma ng kanilang testimonya, dalawang jail guard nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang sinibak ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas matapos makapuslit ang dalawang mamababatas sa silid ni Sen. Juan Ponce Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa Camp Crame, Quezon City sa ika-91 kaarawan ng huli noong Pebrero 14.

Sinabi ni Roxas na siyam na iba pang pulis ang iniimbestigahan sa paglabas nina Estrada at Revilla mula sa kanilang piitan sa PNP Custodial Center, may ilang metro lang ang layo mula sa PNP General Hospital kung saan naka-hospital arrest si Enrile, na walang kaukulang permiso sa korte.

Kabilang sa mga sinibak ay sina Chief Supt. Alberto Supapo, hepe ng Headquaters Support Service (HSS); at Senior Insp. Celina Tapawan, duty-officer ng PNP Custodial Center.

“Sasampahan sila ng mga kasong kriminal at administratibo,” pahayag ni Roxas sa Camp Crame.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Hiniling umano nina Jinggoy at Bong na sumailalim sa medical check up sa PNP General Hospital, subalit sa halip na tumuloy sa emergency room, dumiretso ang dalawa sa main building ng ospital kung saan may nagaganap na simpleng birthday celebration si Enrile.

Bukod sa ilegal na ang proseso ng kanilang pagdadala sa PNP General Hospital, may pagtatangka pa umano ang dalawang sinibak na opisyal na pagtakpan ang anomalya.

“Masama na yung nilabag ang mga reglamento, kung meron pang mga kilos na pagtatakpan ito ay mas masama yun,” said Roxas.

May hawak na dalawang larawan ang government prosecutors na magpapakita habang magkatabing nakaupo sina Revilla si Enrile at masayang nag-chichikahan sa main building ng ospital noong Pebrero 14. - Aaron B. Recuenco