Suportado ng mga senador ang Truth Commission (TC) na ipinanukala ni Senator Teofisto Guingona III para imbestigahan naman ang insidente ng Oplan Exodus.

Pumasa na ito sa committee level kahapon at wala na rin nakikitang hadlang kung hindi ito aaprubahan ng mayorya.

“A month after the incident and here we are, emotions still running high. The Senate hearings we’ve had regarding the incident at Mamasapano has raised more questions than answers. Until we have uncovered meticulously the intricate layers of said incident, these emotions may lead us to decide and act adversely,” ayon kay Guingona.

Sinabi pa nito na kukunin ng TC ang mga resulta ng imbestigasyon ng Board of Investigation (BOI), committee report ng senado sa Department of Justice (DOJ) at maging ang imbestigasyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Ang TC ay suportado ng peace advocates na gaya ng Friends of Bangsamoro, Women’s Peace Table, Lanao Peace Partners, Mindanao Peaceweavers, Intercultural Organizations’ Network for Solidarity and Peace, Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), at ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP).

“There is a voice, buried within the din of voices, that must be heard; and these are the voices of those who know what war is like from the ground. I would be remiss in my duties as a duly elected representative of Mindanao if I don’t give them a voice in the plenary,” dagdag ni Guingona.