BEIRUT (AFP) - Dinukot ng grupong Islamic State ang hindi bababa sa 90 Assyrian Christian sa Syria, sa unang mass kidnapping ng mga Kristiyano sa nabanggit na bansa, iniulat noong Martes.

Ayon sa Britain-based monitor, dinukot ang mga Assyrian noong Lunes matapos kubkubin ng IS ang mga komunidad ng Tal Shamiram at Tal Hermuz sa probinsya ng Hassakeh, na pinanghahawakan ng Kurdish People’s Protection Units (YPG).

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na