HUMINGI ng dispensa si Sunshine Cruz hindi sa dating asawang si Cesar Montano kundi sa tatlong anak niyang sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska. Sabi ng aktres, naaawa siya sa mga anak na nadadamay nang husto.

sunshine-cruz-copyHiniling niya sa mga anak na kailangang magpakatatag sa gitna ng maselang isyu na kinasangkutan nila ngayon.

Halos maiyak si Sunshine nang makausap namin dahil feeling daw niya ay marami ang kumakalaban sa kanya ngayon.

“Marami kasi ang hindi nakakaalam sa totoong isyu. Pero kailangan namin ng mga anak ko ang magpakatatag. Sorry... I know na masakit din ito para sa mga anak ko. But I promise to them na things will get better soon,” wika niya.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

“Sabi ko sa kanila na dapat maging brave and keep in mind na laging andiyan ako para sa kanila. ‘Thank you for the love and for always trying your best to get good grades. I appreciate it, mga anak. I really do. Mahal na mahal ko kayo…’,” padalang mensahe pa nga raw ni Shine sa mga anak niya.

Desidido si Sunshine na ituloy ang laban sa isinampang kaso laban sa dating asawa na kamakailan ay itinanggi na ang akusasyong may ginawang kahalayan ang aktor sa harap ng mga anak niya.