LONDON (AFP) - Napatunayan ng Amnesty International na “shameful and ineffective” ang iba’t ibang liderato ng mundo sa pagprotekta sa mga sibilyan laban sa mga grupong terorista tulad ng Islamic State (IS), at sinabing ang taong 2014 ay “catastrophic.”

Sa 415-pahinang annual report ng AI na nagsiwalat ng pag-aabuso sa 160 na bansa, inakusahan ng grupo ang mga gobyerno ng “pretending the protection of civilians is beyond their power.”

Nakasaad pa sa report na milyun-milyon na ang napatay sa Syria, Ukraine, Gaza, at Nigeria, habang lampas na sa 50 milyon katao sa mundo ang nawalan ng tirahan—ang pinakamalaking bilang pagkatapos ng World War II.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon