LOBO, Batangas - Nagulantang ang anak ng isang retiradong sundalo nang marinig ang alingawngaw ng putok ng baril at matuklasang sarili niyang ama ang nagpakamatay sa Lobo, Batangas.

Naglilinis sa likuran ng bahay sa Barangay Balatbat si Aldrin Amorado nang makarinig ng putok ng baril bandang 7:30 ng umaga noong Pebrero 24.

Nang puntahan ang kagubatan na pinanggalingan ng putok ng baril ay natagpuan ni Aldrin ang amang si Pederico Amorado, 61, na may tama ng bala sa kanang sentido.

Ayon sa report ni SPO1 Lourdemar Dueñas, nakararanas ng matinding depresyon ang biktima, na retiradong miyembro ng Philippine Air Force (PAF).
National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina