AUBURN HILLS, Mich. (AP) – Sa pagpapakita niya ng kanyang all-around game, nabasag ni LeBron James ang NBA record ni Scottie Pippen para sa career assists ng isang forward nang kanyang makitang bukas si Kevin Love para sa isang 3-pointer laban sa Detroit Pistons kahapon.

Nahawakan ni Pippen ang top mark na 6,135 mula nang maungusan niya si John Havlicek noong 2004.

Napantayan ito ni James sa kanyang alley-oop pass kay Timofey Mozgov sa second quarter.

Tatlong minuto ang nakalipas, naitala niya ang 6,136 sa kanyang naging pasa kay Love, na nagtapos na mayroong walong 3-pointers para sa 24 puntos sa 102-93 panalo ng Cavaliers.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Sina Larry Bird at Kevin Garnett ang iba pang bumubuo sa top 5.

Tangan din ni James ang single-season record para sa assists ng isang forward sa kanyang 651 noong 2009-10. Nabasag niya ang record ni Havlicek na 614.