DUMARAMI SILA ● Lumabas sa mga ulat na mahigit 1,600 katao na, jihadist ang karamihan, ang napapatay sa air strikes na inilunsad ng Amerika laban sa Islamic State (IS) group sa Syria sa loob ng limang buwan. Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, karamihan sa mga namatay ay jihadist mula IS at Al-Nusra Front ng Al-Qaeda, gayong may mga sibilyan din na nadamay sa pambobomba.

Sinabi pa ng ahensiya na mahigit 1,465 miyembro ng IS ang napapatay sa mga air strike na nagsimula noong Setyembre 23 at karamihan sa mga iyon ay hindi mga Syrian. May 73 pang fighter ng Al-Nusra Front ang namatay, kasama ang isang bihag ng grupo. Sinimulan naman ng Amerika at ng isang maliit na koalisyon ng mga bansa sa Saudi ang air strike laban sa IS sa Syria noong nakaraang taon, nagpalawak sa operasyon ng Amerika na may mas malawak na koalisyon na nakahanda nang lumaban sa IS sa Iraq. Lumitaw ang IS sa Syria noong 2013, lumago mula sa dating kaalyadong Iraqui ng Al-Qaeda. Ngunit humiwalay ito sa Al-Qaeda at nagdeklara ng Islamic caliphate sa mga teritoryo na kontrolado nito sa Syria at Iraq, na umakit ng iba pang banyagang fighter na mapang-abuso, malupit, at namumugot. Dumarami na ang mga myembro ng IS na namamatay bunga na rin ng kanilang pagmamalupit sa mga taong sakop ng kanilang kapangyarihan. Hindi ito labanan ng mga relihiyon, tulad ng paglilinaw ni Pangulong Obama ng Amerika, kundi laban sa mga taong pumipilipit sa relihiyon. Hindi magtatagal, magkakaisa ang mga bansa upang puksain ang pesteng ito sa daigdig.

***

GAGAYAHIN NG IBA ● habang kinakaladkad ng IS ang Middle East pabalik sa panahon ng karimlan, nais naman ng Cambodia ng magliwanag ang kanilang hinaharap. Kaya nagpunta ang 20 opisyal nila sa Pilipinas upang alamin kung paano pinangangasiwaan ng TESDA ang technical-vocational education and training (TVET). Ayon kay TESDA director-general Secretary Joel Villanueva, umaasa ang kanyang ahensiya na natugunan nila ang mga pangangailangan ng mga kinatawan ng Ministry of Labor ng Cambodia, partikular na ang mahahalagang skills development na maaari nitong ipasalubong pag-uwi nila sa kanilang bansa. “Cambodia is very much interested in learning, through Philippine examples, ways in which to build a strong and proactive TVET that contributes positives to building a human resource capital which in turn will improve the economic conditions of the country,” pahayag naman ng Cambodian delegates.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente