ITINANGGI ni Jamie Dornan ang mga tsismis na hindi na siya magbibida sa sequel ng Fifty Shades of Grey.

Naiulat noong Martes na “walked away” na sa nasabing pelikula ang 32-anyos na Northern Irish actor.

Ayon sa NW magazine ng Australia, napagdesisyunan ni Jamie, na gumanap bilang Christian Grey kasama si Dakota Johnson bilang si Anastasiya Steele, na hindi na niya gagawin ang susunod na pelikula bilang respeto sa kanyang asawa.

Subalit ayon sa isang kinatawan ni Dornan, itinanggi ng aktor ang mga alegasyon at sinabi pa sa E! News na: “All press reports are pure conjecture as the studio has not committed to a sequel as yet.”

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Ayon sa NW magazine, hindi komportable ang asawa ng aktor na si Amelia Warner sa explicit sex scenes sa pelikula na hinalaw sa nobela ni E.L. James.

Dagdag pa rito, nahihirapan umano si Amelia na tanggapin ang biglaang pagiging international sex symbol ng kanyang asawa. Mayroong 15-buwan na anak na babae sina Dornan at Amelia.

“Jamie said the movie would skyrocket his career,” sabi ng isang insider sa publication. “He tried to assure Amelia nothing would change but women all over the world now lust after Jamie.”

“She hasn’t seen the film and I don’t think she will to be honest.”

Napabalita ring hindi nagkakasundo sina Jamie at Dakota, kaya mayroong rason kung bakit hindi na ipagpapatuloy ng aktor ang pagganap sa pelikula.

“Jamie does not think his performance was bad – instead he blames Dakota and says it wasn’t possible to have chemistry with her,” patuloy ng source. “He says Dakota gave him nothing to work with.” - Cover Media