“Not guilty”.
Ito ang inihain ng Court of Tax Appeals (CTA) para kay dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na tumangging maghain ng plea kahapon matapos basahan ng sakdal sa 12 bilang ng tax evasion.
Ayon sa CTA, kapag tumanggi ang akusado na magpasok ng plea matapos isailalim sa arraignment proceedings ay awtomatikong ang hukuman ang maghahain ng “not guilty” plea para rito.
Sinabi naman ng abogado ni Corona na si Atty. Reinhard Sanchez na hindi sila nagpasok ng plea dahil plano nilang iapela ang desisyon ng CTA na i-arraign ang dating chief justice.
Ayon sa CTA, nabigo si Corona na ihain ang kanyang income tax returns para sa taong 2003 (P3,944,275.58), 2004 (P5,824,771.58), 2005 (P5,700,037.57), 2007 (P7,269,149.37), 2008 (P10,861,770.37) at 2010 (P16,980,059.48).