ZAMBOANGA CITY – Isang choir minister sa isang simbahang Protestante ang naaresto sa panggagahasa umano sa isang 10-anyos na babae sa entrapment operation sa tinutuluyan ng una sa likurang bahagi ng simbahan sa Guiwan Porcentro.

Dinakip noong Pebrero 19 ng awtoridad si Rodelio Leyson y Morales, 55, may asawa, ng Guiwan at pansamantalang nanunuluyan sa likuran ng simbahan.

Ayon sa police report, nakita ng nakatatandang kapatid ng biktima ang mga text message ni Leyson sa cell phone ng bata at pawang paksa tungkol sa pagtatalik ang nilalaman nito.

Kalaunan, napaamin ang bata sa kapatid na hinalay siya ni Leyson sa loob ng tinutuluyan noong Pebrero 14 ng tanghali.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Sa muling pag-iimbita ni Leyson sa bata para magtalik sila sa quarter ng una agad na isinagawa ang entrapment operation. - Nonoy Lacson