Kung pagsasama-samahin ng lahat ng bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang resources para sa isang security community o kahit alyansang pangseguridad, maitatatag ang isang kahangahangang puwersa na tiyak na makapipigil sa mga agresibong pagkilos sa South China Sea, ayon sa isang respetadong maritime security expert.

Sa artikulong inilathala ngayong linggo ng NATO (North Atlantic Treaty Organization) Council of Canada, partikular na tinukoy ni Paul Pryce ang tibag ng ASEAN coastal defense forces.

“Some member states, such as Indonesia, possess respectable ‘blue water’ navies,” sabi ni Pryce, tinukoy ang mas malalaking barko ng bansa na kayang magoperate sa malalalim na bahagi ng karagatan at makipagsabayan sa digmaan.

Sa kabilang bansa, aniya, ang ibang bansa sa ASEAN, gaya ng Pilipinas, ay may puwersang “brown water” na binubuo ng maliliit na patrol boat na maaaring lumusutlusot sa makikipot na passage sa maliliit na isla.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, binigyang-diin ni Pryce na ang iba’t ibang nature ng tubig sa South China Sea ay partikular na nangangailangan ng “flexibility offered by corvettes” o mga barkong ang displacement ay higit pa sa 100 tonelada.

Ang maritime forces ng China, ang People’s Liberation Army Navy (PLAN), na kamakailan ay nagtangkang magtayo ng serye ng mga istrukturang mistulang isla sa kalagitnaan ng territorial dispute ng Beijing sa iba’t ibang bansa, ay may sapat na bilang ng barko na itinatalaga sa Hong Kong at sa isang network ng mga naval base sa labas ng South China Sea.

Iniulat ni Pryce na ang China ngayon ay may 12 Jiangdao-class corvette upang mapalawak ang presensiya nito sa katubigan ng rehiyon at posibleng magdagdag pa ng tatlo sa pagtatapos ng taong ito.

Bukod dito, gumagamit din ang PLAN ng anim na Houjian-class missile boat at 80 iba pang missile boat at iba’t ibang uri ng gunboat.

Gayunman, ani Pryce, kung pagsasama-samahin ang puwersang pangkaragatan ng ASEAN ay kayang-kaya nitong tapatan ang limitadong opensiba ng PLAN. - Roy Mabasa