Nasorpresa sa palitan ng mga text message na nag-aabsuwelto kay Pangulong Benigno S. Aquino III sa pagiging responsable sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, hinihiling ngayon ng mga mambabatas mula sa oposisyon at administrasyon sa National Telecommunications Commission (NTC) na kumpirmahin ang authenticity ng serye ng text message na iprinisinta sa Senado nitong Lunes.

Sinabi nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate na dapat na isapubliko ng NTC at ng mga telecommunication firm ang lahat ng text message at tawagan nina Aquino, dating Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force (SAF) Commander Director Getulio Napeñas.

Ayon naman kay Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon, dapat na magpaliwanag ang lahat ng opisyal ng gobyerno at militar na nabanggit sa imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano incident kung bakit sila umasa sa hindi mapagkakatiwalaang text messaging bilang paraan ng komunikasyon sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng nasabing operasyon ng PNP-SAF para arestuhin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli Bih Hir sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

“We cannot accept the strip tease of text messages being released by Gen. Purisima that is geared to shield Pres. Aquino from accountability. The text messages that were released seem to be screened and the actual text messages of Pres. Aquino and Purisima during the most crucial time of the operation from 8am to 5pm were not released,” ani Colmenares.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi naman ni Zarate na, “President Aquino even in his televised speeches gave just selected and contrived pieces of facts. He did the same when he showed just Gen. Napeñas’ text message to the families of the slain SAF last week but not the test messages of Gen. Purisima.” - Ben R. Rosario