Inaasahang magiging slam-bang affair ang ikatlong edisyon ng Philippine Superliga (PSL) na hahataw sa susunod na buwan kung saan ay pag-iinitin ng Filipino-foreign recruits ang aksiyon na tiyak na dudumugin ng mga panatiko sa mga itinalagang venue.

Sinabi kahapon ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na inaasahang dadalhin ng Filipino-foreign recruits ang liga sa isang mala-bagyong aksiyon at ibigay sa homegrown players ang seryosong bakbakan sa pagbubukas ng PSL All-Filipino Conference sa Marso 21 sa Mall of Asia Arena.

Mangunguna sa naggagandahan at baguhang manlalaro sina Filipino-Swiss Jennifer Salgado, Filipino-Americans Alexa Micek, Kayla Williams, Maureen Loren at Iris Tolenada, na naisakatuparan ang kanyang marka bilang unang San Francisco State University player na nagwagi ng Most Valuable Player plum sa isang highly-competitive California Collegiate Athletic Association.

Makikipagsabayan sila para sa kanilang slots kontra sa upcoming local players na kahalintulad ni Angeli Araneta ng University of the Philippines (UP), Pam Lastimosa ng University of Santo Tomas (UST) at Denise Lazaro ng Ateneo de Manila University (ADMU), na naging mainit ang kampaya sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nasa hanay din upang makipagsabayan para sa natatanging semi-professional volleyball league sa bansa ay sina National Collegiate Athletic Association (NCAA) standouts Rica Enclona, Janette Panaga, Janine Navarro at Michelle Segodine, nakita ang huling aksiyon sa Adamson University (AdU) sa UAAP.

“Our roster of talents this season is so deep that we have no idea who will emerge as top overall pick,” saad ni Suzara, ang ranking executive sa Asian Volleyball Confederation (AVC) at ng International Volleyball Federation (IVF).

“But I’m sure all coaches are doing their homeworks. They are closely scouting their prospects and keeping their eyes on potential stars from outside the country. So, do not be surprised if our third season will better our first two seasons in terms of competitiveness.”

Mamataan ng coaches at scouts ang mga may sariwang talento sa pagsasagawa ng liga ng unang pre-draft camp sa Marso 6-7 sa Cuneta Astrodome o sa gymnasium ng Philippine Navy.

Ang ikalawang PSL Annual Draft ay nakatakda naman sa Marso 11 sa SM Aura o sa Glorietta Activity Center.

Sa kasalukuyan, anim na koponan ang nakahanda na sa labanan- ang Shopinas, Cignal, Foton, Petron, Philips Gold at Zesto.

Samantala, patuloy pa rin ang organizing Sports Core sa negosasyon sa dalawang potential members- ang PLDT at Meralco.

Ipalalabas ng TV 5 ang mga laro sa free television habang ang Solar Sports ang magdadala ng mga laro sa cable channels.