Napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pakikipagugnayan sa Konsulado ng Pilipinas sa Manado, nitong Pebrero 23 ang 43 mangingisdang Pinoy na sakay ng fishing vessel na KM Love Merben 2 nang maaresto sa Jakarta, Indonesia.

Mainit na tinanggap ang 43 mangingisda ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Jesus I. Yabes nang magtungo ang mga ito sa kagawaran.

Ayon sa report, inaresto ang 43 mangingisdang Pinoy noong Setyembre 16, 2014 sa Ternate, North Maluku dahil sa ilegal na pangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia.

Iginiit ng mga mangingisda na inabandona sila ng kanilang employer na Citra Mina na inakusahan nila ng pagmamaltrato.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'