Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 pm Talk ‘N Text vs. Kia Carnival

7 pm Blackwater vs. Barangay Ginebra

Pagsosolo sa liderato ang pupuntiryahin ngayon ng Talk ‘N Text sa pagtutuos nila ng expansion team na Kia Carnival sa elimination round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa ngayon ay magkasalo ang Tropang Texters at ang sister team na Meralco Bolts ang liderato na pawang taglay ang 5-1 marka makaraang magposte ng 3-game winning streak. Una rito, nalasap muna ng Tropang Texters ang nag-iisang kabiguan sa kamay ng Bolts.

Sa ganap na alas-4:15 ng hapon magsasagupa ang Tropang Texters at ang inspiradong Kia team ni playing coach Manny Pacquiao matapos na maitala ang ikalawang panalo nang gulantangin nila ang defending champion Purefoods Star sa nakaraan nilang laban, 95-84, na nag-angat sa kanila sa barahang 2-4 (panalo-talo) para sa solong ikapitong puwesto.

Ayon kay Pacman, malaking bagay para sa kanila ang dalawang panalo dahil pawang nagkampeon ang koponan na kanilang tinalo.

“Mahalaga ‘yung mga tinalo namin kasi champion teams,” ani Pacquiao.

Unti-unti na umanong ay nagkaka-isa at tumatatag ang shooting ng kanilang players kasabay sa pag-angat ng level ng kanilang kumpiyansa bilang isang team.

Para naman sa Tropang Texters, sisikapin nilang palawigin ang naitalang 3-game winning run sa tulong ng bagong import na si dating Atlanta Hawks Ivan Johnson na nagposte ng 32 puntos at 10 rebounds sa unang laban niya kontra sa NLEX. Pinalitan ni Johnson ang dating import na si Richard Howell.

Ngunit muli na namang malalagay sa pagsubok ang sinasabing pagiging temperamental ni Johnson lalo pa at higit na malaki ang makakatapat niyang Kia reinforcement sa katauhan ni 7-foot-3 Peter John Torres na nakuha naman niyang kontrolin sa laban nila ng Road Warriors sa tulong na rin sa pagpapa-alala ng kanyang teammates.

Samantala, sa tampok na laban, galing sa malaking panalo sa nakaraang 2015 Manila Classico kontra sa defending champion Purefoods, target ng Kings na humanay sa ikaapat na puwesto kasama ang Hotshots at Globalport sa pagpuntirya ng ikaapat na panalo mula sa pitong mga laro.

Sa kampo naman ng katunggaling Elite, muling maghahabol upang madugtungan ang nakamit nilang nag-iisang panalo sa liga, magmula pa sa Philippine Cup, sa pagtutuos nila ng Kings sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Muli, tiyak na magpapakitang gilas ang import nilang si Michael Dunigan na nagawang hadlangan ang debut ni Denzel Bowles sa Hotshots, bukod pa sa tulong nina Emman Monfort at twin tower na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.