Toni-Gonzaga-copy-421x500

NITONG nakaraang Lunes, muling pumirma si Toni Gonzaga ng panibagong three-year contract sa ABS-CBN.

“I am celebrating my 10th year as a Kapamilya and I am happy to renew my contract with them,” pahayag ni TV host/actress/singer. “Talagang in my heart talaga I am certified and forever a Kapamilya.

“I feel really blessed to sign a contract, three years pa as a Kapamilya and I’ll still be doing the same shows that I am doing now and we have a new reality show that we are starting and we are gearing up for the 10th year of PBB. We are opening it up this June,” update ng ultimate multi-media star sa kanyang fans.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Hindi lang hosting ang sakop ng kanyang trabaho sa bagong kontrata, ita-try din niyang magdrama sa teleserye.

“I think I’m going to be doing, finally after a long time, a teleserye. Parang first time ko ‘ata in 8-9 years. ‘Yung una kong soap talaga was with Dreamscape, Crazy For You pa. Una ko sa ABS-CBN kasi nag-concentrate ako sa mga reality shows kaya ‘yun magkakaroon kami ng pitching so hopefully mag-materialize lahat pero excited kami sa pelikula na ginagawa namin ni Coco (Martin).”

Magampanang lahat ito  ni Toni kahit matataon sa pagpapakasal nila ni Direk Paul Soriano dahil binusisi niya ang kontrata para walang maging conflict sa kanyang career at personal na buhay.

“Kasama na siya sa kontrata, kaya siguro natagalan din kasi may mga inayos, mga konting adjustments sa contract but definitely one thing na maa-assure ko sa audience ko, for those people that love me and support me, no matter what happens I am still a Kapamilya, I will always be a Kapamilya and lets just see where life takes us,” pahayag pa ng soon to be bride.